Deuteronomio 5

Ngunit ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa napakaraming henerasyong nagmamahal sa akin at sumusunod sa mga utos ko.

Deuteronomy 5:10 (UKJV) And showing mercy unto thousands of them that love me and keep my commandments.

8Huwag kayong gagawa ng imahen ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig para gawing diyos-diyosan ninyo.

9Huwag ninyong paglilingkuran o sasambahin ang mga ito, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos ay mapanibughuin. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin.

10Ngunit ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa napakaraming henerasyong nagmamahal sa akin at sumusunod sa mga utos ko.

11Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan. Ako ang Panginoon na inyong Diyos, ang magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan ko sa walang kabuluhan.

12Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at gawin ninyo itong natatanging araw para sa akin, ang Panginoon na iyong Diyos, ayon sa iniutos ko sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.