Deuteronomio 5

Huwag ninyong paglilingkuran o sasambahin ang mga ito, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos ay mapanibughuin. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin.

Deuteronomy 5:9 (UKJV) You shall not bow down yourself unto them, nor serve them: for I the LORD your God am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children unto the third and fourth generation of them that hate me,

7“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.

8Huwag kayong gagawa ng imahen ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig para gawing diyos-diyosan ninyo.

9Huwag ninyong paglilingkuran o sasambahin ang mga ito, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos ay mapanibughuin. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin.

10Ngunit ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa napakaraming henerasyong nagmamahal sa akin at sumusunod sa mga utos ko.

11Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan. Ako ang Panginoon na inyong Diyos, ang magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan ko sa walang kabuluhan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.