31Ngunit magpaiwan ka rito sa akin para maibigay ko sa iyo ang lahat ng utos at tuntunin na ituturo mo sa kanila, na kanilang susundin doon sa lupaing ibinibigay ko sa kanila para sakupin.”
32Kaya sundin ninyong mabuti ang iniutos ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo. Huwag ninyong susuwayin ang kahit isa sa kanyang mga utos.
33Mamuhay kayo ayon sa iniutos ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo para mabuhay kayo nang matagal at masagana roon sa lupaing inyong sasakupin.