Deuteronomio 5

Ngunit magpaiwan ka rito sa akin para maibigay ko sa iyo ang lahat ng utos at tuntunin na ituturo mo sa kanila, na kanilang susundin doon sa lupaing ibinibigay ko sa kanila para sakupin.”

Deuteronomy 5:31 (UKJV) But as for you, stand you here by me, and I will speak unto you all the commandments, and the statutes, and the judgments, which you shall teach them, that they may do them in the land which I give them to possess it.

29Sanaʼy palagi silang magkaroon ng takot at sundin ang aking mga utos para maging mabuti ang kalagayan nila at ng kanilang mga salinlahi magpakailanman.

30“Lumakad ka at sabihin sa kanila na bumalik sila sa kanilang mga tolda.

31Ngunit magpaiwan ka rito sa akin para maibigay ko sa iyo ang lahat ng utos at tuntunin na ituturo mo sa kanila, na kanilang susundin doon sa lupaing ibinibigay ko sa kanila para sakupin.”

32Kaya sundin ninyong mabuti ang iniutos ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo. Huwag ninyong susuwayin ang kahit isa sa kanyang mga utos.

33Mamuhay kayo ayon sa iniutos ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo para mabuhay kayo nang matagal at masagana roon sa lupaing inyong sasakupin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.