28Narinig ng Panginoon ang sinabi ninyo nang nakipag-usap kayo sa akin, at sinabi niya, “Narinig ko kung ano ang sinabi ng mga taong ito sa iyo, at mabuti ang lahat ng kanilang sinabi.
29Sanaʼy palagi silang magkaroon ng takot at sundin ang aking mga utos para maging mabuti ang kalagayan nila at ng kanilang mga salinlahi magpakailanman.
30“Lumakad ka at sabihin sa kanila na bumalik sila sa kanilang mga tolda.
31Ngunit magpaiwan ka rito sa akin para maibigay ko sa iyo ang lahat ng utos at tuntunin na ituturo mo sa kanila, na kanilang susundin doon sa lupaing ibinibigay ko sa kanila para sakupin.”
32Kaya sundin ninyong mabuti ang iniutos ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo. Huwag ninyong susuwayin ang kahit isa sa kanyang mga utos.