Deuteronomio 5

Narinig ng Panginoon ang sinabi ninyo nang nakipag-usap kayo sa akin, at sinabi niya, “Narinig ko kung ano ang sinabi ng mga taong ito sa iyo, at mabuti ang lahat ng kanilang sinabi.

Deuteronomy 5:28 (UKJV) And the LORD heard the voice of your words, when all of you spoke unto me; and the LORD said unto me, I have heard the voice of the words of this people, which they have spoken unto you: they have well said all that they have spoken.

26May tao bang nanatiling buháy matapos niyang marinig ang boses ng Diyos na buháy mula sa apoy tulad ng ating narinig?

27Ikaw na lang ang lumapit sa Panginoon na ating Diyos, at pakinggan ang lahat ng sasabihin niya. Pagkatapos, sabihin mo sa amin ang lahat ng sinabi niya, dahil pakikinggan namin ito at susundin.”

28Narinig ng Panginoon ang sinabi ninyo nang nakipag-usap kayo sa akin, at sinabi niya, “Narinig ko kung ano ang sinabi ng mga taong ito sa iyo, at mabuti ang lahat ng kanilang sinabi.

29Sanaʼy palagi silang magkaroon ng takot at sundin ang aking mga utos para maging mabuti ang kalagayan nila at ng kanilang mga salinlahi magpakailanman.

30“Lumakad ka at sabihin sa kanila na bumalik sila sa kanilang mga tolda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.