25Ngunit hindi namin ilalagay sa panganib ang buhay namin. Sapagkat kung maririnig namin muli ang boses ng Panginoon na ating Diyos, siguradong lalamunin kami ng apoy.
26May tao bang nanatiling buháy matapos niyang marinig ang boses ng Diyos na buháy mula sa apoy tulad ng ating narinig?
27Ikaw na lang ang lumapit sa Panginoon na ating Diyos, at pakinggan ang lahat ng sasabihin niya. Pagkatapos, sabihin mo sa amin ang lahat ng sinabi niya, dahil pakikinggan namin ito at susundin.”
28Narinig ng Panginoon ang sinabi ninyo nang nakipag-usap kayo sa akin, at sinabi niya, “Narinig ko kung ano ang sinabi ng mga taong ito sa iyo, at mabuti ang lahat ng kanilang sinabi.
29Sanaʼy palagi silang magkaroon ng takot at sundin ang aking mga utos para maging mabuti ang kalagayan nila at ng kanilang mga salinlahi magpakailanman.