Deuteronomio 5

Ngunit hindi namin ilalagay sa panganib ang buhay namin. Sapagkat kung maririnig namin muli ang boses ng Panginoon na ating Diyos, siguradong lalamunin kami ng apoy.

Deuteronomy 5:25 (UKJV) Now therefore why should we die? for this great fire will consume us: if we hear the voice of the LORD our God any more, then we shall die.

23Nang marinig ninyo ang boses mula sa kadiliman habang naglalagablab ang bundok, lumapit sa akin ang lahat ng pinuno ng mga angkan at ang mga tagapamahala ninyo

24at sinabi nila, “Ipinakita sa atin ng Panginoon na ating Diyos ang kanyang kaluwalhatian at karangalan, at narinig natin ang kanyang tinig mula sa apoy. Nakita natin sa araw na ito na maaaring mabuhay ang tao kahit nakipag-usap ang Panginoon sa kanya.

25Ngunit hindi namin ilalagay sa panganib ang buhay namin. Sapagkat kung maririnig namin muli ang boses ng Panginoon na ating Diyos, siguradong lalamunin kami ng apoy.

26May tao bang nanatiling buháy matapos niyang marinig ang boses ng Diyos na buháy mula sa apoy tulad ng ating narinig?

27Ikaw na lang ang lumapit sa Panginoon na ating Diyos, at pakinggan ang lahat ng sasabihin niya. Pagkatapos, sabihin mo sa amin ang lahat ng sinabi niya, dahil pakikinggan namin ito at susundin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.