4At doon sa bundok nagsalita ang Panginoon sa inyo mula sa apoy na parang magkaharap lang kayo.
5Nakatayo ako sa pagitan ninyo at ng Panginoon nang oras na iyon para sabihin sa inyo ang mensahe ng Panginoon, dahil natatakot kayo sa apoy at ayaw ninyong umakyat sa bundok.” Sinabi ng Panginoon:
6“Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto kung saan kayo inalipin.
7“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.
8Huwag kayong gagawa ng imahen ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig para gawing diyos-diyosan ninyo.