Deuteronomio 6

Dadalhin kayo ng Panginoon na inyong Diyos doon sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob. Malaki ang lupaing ito at may maunlad na mga lungsod na hindi kayo ang nagtayo.

Deuteronomy 6:10 (UKJV) And it shall be, when the LORD your God shall have brought you into the land which he swore unto your fathers, to Abraham, to Isaac, and to Jacob, to give you great and goodly cities, which you builded not,

8Itali ninyo ito sa inyong mga braso o ilagay sa inyong mga noo bilang paalala sa inyo.

9Isulat ninyo ito sa mga hamba ng inyong bahay at sa bukana ng pintuan ng inyong mga lungsod.

10Dadalhin kayo ng Panginoon na inyong Diyos doon sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob. Malaki ang lupaing ito at may maunlad na mga lungsod na hindi kayo ang nagtayo.

11May mga bahay din ito na puno ng mabubuting bagay na hindi kayo ang naghirap, may mga balon na hindi kayo ang naghukay, at mga ubasan at mga puno ng olibo na hindi kayo ang nagtanim. At kung makakain na kayo at mabusog,

12tiyakin ninyong hindi ninyo makakalimutan ang Panginoon na naglabas sa inyo sa Ehipto kung saan kayo inalipin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.