Deuteronomio 7

Kung tutuparin at susundin ninyong mabuti ang mga utos, tutuparin ng Panginoon na inyong Diyos ang kanyang kasunduan na mamahalin niya kayo, gaya ng ipinangako niya sa inyong mga ninuno.

Deuteronomy 7:12 (UKJV) Wherefore it shall come to pass, if all of you hearken to these judgments, and keep, and do them, that the LORD your God shall keep unto you the covenant and the mercy which he swore unto your fathers:

10Ngunit hindi siya magdadalawang-isip na ibagsak ang mga napopoot sa kanya.

11Kaya sundin ninyong mabuti ang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo sa araw na ito.

12Kung tutuparin at susundin ninyong mabuti ang mga utos, tutuparin ng Panginoon na inyong Diyos ang kanyang kasunduan na mamahalin niya kayo, gaya ng ipinangako niya sa inyong mga ninuno.

13Mamahalin niya kayo, pagpapalain at padadamihin. Bibigyan niya kayo ng maraming anak at pagpapalain ang mga pananim sa inyong lupa: ang inyong mga trigo, bagong alak at langis. At padadamihin niya ang inyong mga baka doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno at sa inyo.

14Pagpapalain niya kayo ng higit pa sa sinumang mga mamamayan sa mundo. Walang lalaki o babae sa inyo na magiging baog, ganoon din sa inyong mga hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.