Deuteronomio 7

Mamahalin niya kayo, pagpapalain at padadamihin. Bibigyan niya kayo ng maraming anak at pagpapalain ang mga pananim sa inyong lupa: ang inyong mga trigo, bagong alak at langis. At padadamihin niya ang inyong mga baka doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno at sa inyo.

Deuteronomy 7:13 (UKJV) And he will love you, and bless you, and multiply you: he will also bless the fruit of your womb, and the fruit of your land, your corn, and your wine, and yours oil, the increase of your cattle, and the flocks of your sheep, in the land which he swore unto your fathers to give you.

11Kaya sundin ninyong mabuti ang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo sa araw na ito.

12Kung tutuparin at susundin ninyong mabuti ang mga utos, tutuparin ng Panginoon na inyong Diyos ang kanyang kasunduan na mamahalin niya kayo, gaya ng ipinangako niya sa inyong mga ninuno.

13Mamahalin niya kayo, pagpapalain at padadamihin. Bibigyan niya kayo ng maraming anak at pagpapalain ang mga pananim sa inyong lupa: ang inyong mga trigo, bagong alak at langis. At padadamihin niya ang inyong mga baka doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno at sa inyo.

14Pagpapalain niya kayo ng higit pa sa sinumang mga mamamayan sa mundo. Walang lalaki o babae sa inyo na magiging baog, ganoon din sa inyong mga hayop.

15Poprotektahan kayo ng Panginoon sa lahat ng karamdaman. Hindi niya kayo padadalhan ng nakapangingilabot na mga karamdaman na nakita ninyo sa Ehipto, ngunit ipapadala niya ito sa lahat ng mga napopoot sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.