Deuteronomio 7

Pinili kayo ng Panginoon dahil sa pag-ibig niya sa inyo at tinutupad niya ang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno. Iyan ang dahilan na inilabas niya kayo sa Ehipto sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, at pinalaya sa pagkaalipin sa Faraon na hari ng Ehipto.

Deuteronomy 7:8 (UKJV) But because the LORD loved you, and because he would keep the oath which he had sworn unto your fathers, has the LORD brought you out with a mighty hand, and redeemed you out of the house of bondmen, from the hand of Pharaoh king of Egypt.

6Sapagkat ibinukod kayo ng Panginoon na inyong Diyos. Sa lahat ng mga tao, kayo ang pinili ng Panginoon na inyong Diyos na maging espesyal niyang mamamayan.

7Pinili kayo ng Panginoon at minahal, hindi dahil mas marami kayo sa ibang mga mamamayan, dahil kayo pa nga ang pinakakaunti sa lahat.

8Pinili kayo ng Panginoon dahil sa pag-ibig niya sa inyo at tinutupad niya ang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno. Iyan ang dahilan na inilabas niya kayo sa Ehipto sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, at pinalaya sa pagkaalipin sa Faraon na hari ng Ehipto.

9Isipin ninyo na ang Panginoon na inyong Diyos ay iisang Diyos. Matapat siya at tinutupad niya ang kanyang kasunduan hanggang sa mga salinlahi ng mga nagmamahal sa kanya at sumusunod sa kanyang mga utos.

10Ngunit hindi siya magdadalawang-isip na ibagsak ang mga napopoot sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.