Deuteronomio 8

Sundin ninyong mabuti ang lahat ng utos na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito, upang mabuhay kayo nang matagal at dumami, at makapanirahan sa lupaing pinasakop ng Panginoon sa inyong mga ninuno.

Deuteronomy 8:1 (UKJV) All the commandments which I command you this day shall all of you observe to do, that all of you may live, and multiply, and go in and possess the land which the LORD swore unto your fathers.

1Sundin ninyong mabuti ang lahat ng utos na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito, upang mabuhay kayo nang matagal at dumami, at makapanirahan sa lupaing pinasakop ng Panginoon sa inyong mga ninuno.

2Alalahanin ninyo kung paano kayo ginabayan ng Panginoon na inyong Diyos sa paglalakbay ninyo sa disyerto sa loob ng apatnapung taon. Ginawa niya ito para turuan kayong magpakumbaba, at sinubok niya kayo para malaman kung ano talaga ang nilalaman ng inyong puso, kung susundin ninyo ang kanyang mga utos o hindi.

3Ibinaba niya kayo sa pamamagitan ng paggutom sa inyo at pagkatapos, binigyan niya kayo ng manna – isang klase ng pagkain na hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon para ituro sa inyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.