1Sundin ninyong mabuti ang lahat ng utos na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito, upang mabuhay kayo nang matagal at dumami, at makapanirahan sa lupaing pinasakop ng Panginoon sa inyong mga ninuno.
2Alalahanin ninyo kung paano kayo ginabayan ng Panginoon na inyong Diyos sa paglalakbay ninyo sa disyerto sa loob ng apatnapung taon. Ginawa niya ito para turuan kayong magpakumbaba, at sinubok niya kayo para malaman kung ano talaga ang nilalaman ng inyong puso, kung susundin ninyo ang kanyang mga utos o hindi.
3Ibinaba niya kayo sa pamamagitan ng paggutom sa inyo at pagkatapos, binigyan niya kayo ng manna – isang klase ng pagkain na hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon para ituro sa inyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Panginoon.
4Sa loob ng apatnapung taon, hindi naluma ang mga damit ninyo at hindi namaga ang mga paa ninyo sa paglalakbay.