5Dapat ninyong maisip na gaya ng pagdidisiplina ng ama sa kanyang anak, ang Panginoon na inyong Diyos ay dumidisiplina rin sa inyo.
6Kaya sundin ninyo ang mga utos ng Panginoon na inyong Diyos. Mamuhay kayo ayon sa kanyang pamamaraan at matakot kayo sa kanya.
7Sapagkat dadalhin kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa magandang lupain, na may mga sapa at mga bukal na umaagos sa mga lambak at mga kaburulan.
8Ang lupaing ito ay may mga trigo, sebada, ubas, igos, pomegranata, olibo at pulot.
9Hindi kayo mawawalan ng pagkain sa lupaing ito at hindi kayo kukulangin ng anuman. Makakakuha kayo ng bakal sa mga bato nito, at makakahukay kayo ng tanso sa mga kabundukan.