7Sapagkat dadalhin kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa magandang lupain, na may mga sapa at mga bukal na umaagos sa mga lambak at mga kaburulan.
8Ang lupaing ito ay may mga trigo, sebada, ubas, igos, pomegranata, olibo at pulot.
9Hindi kayo mawawalan ng pagkain sa lupaing ito at hindi kayo kukulangin ng anuman. Makakakuha kayo ng bakal sa mga bato nito, at makakahukay kayo ng tanso sa mga kabundukan.
10Kapag nakakain na kayo at nangabusog, purihin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos dahil sa magandang lupaing ibinigay niya sa inyo.
11Ingatan ninyong huwag makalimutan ang Panginoon na inyong Diyos at huwag ninyong susuwayin ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo sa araw na ito.