Deuteronomio 8

Ingatan ninyong huwag makalimutan ang Panginoon na inyong Diyos at huwag ninyong susuwayin ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo sa araw na ito.

Deuteronomy 8:11 (UKJV) Beware that you forget not the LORD your God, in not keeping his commandments, and his judgments, and his statutes, which I command you this day:

9Hindi kayo mawawalan ng pagkain sa lupaing ito at hindi kayo kukulangin ng anuman. Makakakuha kayo ng bakal sa mga bato nito, at makakahukay kayo ng tanso sa mga kabundukan.

10Kapag nakakain na kayo at nangabusog, purihin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos dahil sa magandang lupaing ibinigay niya sa inyo.

11Ingatan ninyong huwag makalimutan ang Panginoon na inyong Diyos at huwag ninyong susuwayin ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo sa araw na ito.

12Kapag nakakain na kayo at nangabusog, at kapag nakapagpatayo na kayo ng maaayos na matitirhan,

13at dumami na ang inyong mga hayop, pilak, ginto at mga ari-arian,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.