Deuteronomio 8

Kapag nakakain na kayo at nangabusog, at kapag nakapagpatayo na kayo ng maaayos na matitirhan,

Deuteronomy 8:12 (UKJV) Lest when you have eaten and are full, and have built goodly houses, and dwelt therein;

10Kapag nakakain na kayo at nangabusog, purihin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos dahil sa magandang lupaing ibinigay niya sa inyo.

11Ingatan ninyong huwag makalimutan ang Panginoon na inyong Diyos at huwag ninyong susuwayin ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo sa araw na ito.

12Kapag nakakain na kayo at nangabusog, at kapag nakapagpatayo na kayo ng maaayos na matitirhan,

13at dumami na ang inyong mga hayop, pilak, ginto at mga ari-arian,

14siguraduhin ninyong hindi kayo magyayabang at lilimot sa Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto kung saan kayo inalipin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.