Deuteronomio 9

Matindi rin ang galit ng Panginoon noon kay Aaron at gusto rin siyang patayin ng Panginoon, ngunit nanalangin din ako nang panahong iyon para sa kanya.

Deuteronomy 9:20 (UKJV) And the LORD was very angry with Aaron to have destroyed him: and I prayed for Aaron also the same time.

18Pagkatapos, nagpatirapa ako sa harapan ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi na walang kinakain at iniinom, dahil sa lahat ng mga ginawa ninyong kasalanan. Masama ang ginawa ninyo sa paningin ng Panginoon at nakapagpapagalit ito sa kanya.

19Natakot ako dahil sa matinding galit ng Panginoon sa inyo dahil baka patayin niya kayo. Ngunit pinakinggan pa rin ako ng Panginoon.

20Matindi rin ang galit ng Panginoon noon kay Aaron at gusto rin siyang patayin ng Panginoon, ngunit nanalangin din ako nang panahong iyon para sa kanya.

21Pagkatapos, kinuha ko ang diyos-diyosang guya na ginawa ninyo, na nagtulak sa inyo sa kasalanan, at tinunaw ko ito sa apoy. Dinurog ko ito na kasingpino ng alikabok at isinabog sa sapa na umaagos mula sa bundok.

22Ginalit din ninyo ang Panginoon doon sa Tabera, sa Masa at sa Kibrot Hataava.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.