Deuteronomio 9

Pagkatapos, kinuha ko ang diyos-diyosang guya na ginawa ninyo, na nagtulak sa inyo sa kasalanan, at tinunaw ko ito sa apoy. Dinurog ko ito na kasingpino ng alikabok at isinabog sa sapa na umaagos mula sa bundok.

Deuteronomy 9:21 (UKJV) And I took your sin, the calf which all of you had made, and burnt it with fire, and stamped it, and ground it very small, even until it was as small as dust: and I cast the dust thereof into the brook that descended out of the mount.

19Natakot ako dahil sa matinding galit ng Panginoon sa inyo dahil baka patayin niya kayo. Ngunit pinakinggan pa rin ako ng Panginoon.

20Matindi rin ang galit ng Panginoon noon kay Aaron at gusto rin siyang patayin ng Panginoon, ngunit nanalangin din ako nang panahong iyon para sa kanya.

21Pagkatapos, kinuha ko ang diyos-diyosang guya na ginawa ninyo, na nagtulak sa inyo sa kasalanan, at tinunaw ko ito sa apoy. Dinurog ko ito na kasingpino ng alikabok at isinabog sa sapa na umaagos mula sa bundok.

22Ginalit din ninyo ang Panginoon doon sa Tabera, sa Masa at sa Kibrot Hataava.

23Nang pinalakad kayo ng Panginoon mula sa Kades-barnea, sinabi niya sa inyo, “Lumakad kayo at angkinin na ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo.” Ngunit nagrebelde kayo, hindi ninyo sinunod ang utos ng Panginoon na inyong Diyos. Hindi kayo nagtiwala o sumunod sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.