Deuteronomio 9

Nang pinalakad kayo ng Panginoon mula sa Kades-barnea, sinabi niya sa inyo, “Lumakad kayo at angkinin na ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo.” Ngunit nagrebelde kayo, hindi ninyo sinunod ang utos ng Panginoon na inyong Diyos. Hindi kayo nagtiwala o sumunod sa kanya.

Deuteronomy 9:23 (UKJV) Likewise when the LORD sent you from Kadeshbarnea, saying, Go up and possess the land which I have given you; then all of you rebelled against the commandment of the LORD your God, and all of you believed him not, nor hearkened to his voice.

21Pagkatapos, kinuha ko ang diyos-diyosang guya na ginawa ninyo, na nagtulak sa inyo sa kasalanan, at tinunaw ko ito sa apoy. Dinurog ko ito na kasingpino ng alikabok at isinabog sa sapa na umaagos mula sa bundok.

22Ginalit din ninyo ang Panginoon doon sa Tabera, sa Masa at sa Kibrot Hataava.

23Nang pinalakad kayo ng Panginoon mula sa Kades-barnea, sinabi niya sa inyo, “Lumakad kayo at angkinin na ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo.” Ngunit nagrebelde kayo, hindi ninyo sinunod ang utos ng Panginoon na inyong Diyos. Hindi kayo nagtiwala o sumunod sa kanya.

24Mula nang makilala ko kayo, puro na lang pagrerebelde ang ginagawa ninyo sa Panginoon.

25Iyan ang dahilan kung bakit ako nagpatirapa sa harapan ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi dahil sinabi ng Panginoon na pupuksain niya kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.