Deuteronomio 9

Nanalangin ako sa Panginoon, “O Makapangyarihang Panginoon, huwag po ninyong puksain ang sarili ninyong mamamayan. Iniligtas po ninyo sila at inilabas sa Ehipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Deuteronomy 9:26 (UKJV) I prayed therefore unto the LORD, and said, O Lord GOD, destroy not your people and yours inheritance, which you have redeemed through your greatness, which you have brought forth out of Egypt with a mighty hand.

24Mula nang makilala ko kayo, puro na lang pagrerebelde ang ginagawa ninyo sa Panginoon.

25Iyan ang dahilan kung bakit ako nagpatirapa sa harapan ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi dahil sinabi ng Panginoon na pupuksain niya kayo.

26Nanalangin ako sa Panginoon, “O Makapangyarihang Panginoon, huwag po ninyong puksain ang sarili ninyong mamamayan. Iniligtas po ninyo sila at inilabas sa Ehipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

27Huwag na ninyong pansinin ang katigasan ng ulo, ang kasamaan at ang mga kasalanan ng mga mamamayang ito, kundi alalahanin ninyo ang inyong mga lingkod na sina Abraham, Isaac, at Jacob.

28Kung lilipulin nʼyo sila, sasabihin ng mga Ehipsiyo, ‘Nilipol sila dahil hindi sila kayang dalhin ng Panginoon sa lupaing ipinangako niya sa kanila.’ O sasabihin nila, ‘Pinatay sila ng Panginoon dahil galit siya sa kanila; inilabas sila sa Ehipto at dinala sa disyerto para patayin.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.