Deuteronomio 9

Ngunit ngayon, makikita ninyo na ang Panginoon na inyong Diyos ang mangunguna sa inyo na parang apoy na lumalamon sa inyong mga kaaway. Tatalunin niya sila para madali ninyo silang maitaboy at malipol ayon sa ipinangako ng Panginoon sa inyo.

Deuteronomy 9:3 (UKJV) Understand therefore this day, that the LORD your God is he which goes over before you; as a consuming fire he shall destroy them, and he shall bring them down before your face: so shall you drive them out, and destroy them quickly, as the LORD has said unto you.

1Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel. Tatawid kayo ngayon sa Jordan para itaboy ang mga bansang mas malalaki at mas makapangyarihan kaysa sa inyo. Malalaki ang kanilang lungsod at may matataas na pader na tila umabot na sa langit.

2Malalakas at matatangkad ang mga naninirahan dito – mga lahi ni Anak! Alam naman ninyo ang tungkol sa mga lahi ni Anak at narinig ninyo na walang makakatalo sa kanila.

3Ngunit ngayon, makikita ninyo na ang Panginoon na inyong Diyos ang mangunguna sa inyo na parang apoy na lumalamon sa inyong mga kaaway. Tatalunin niya sila para madali ninyo silang maitaboy at malipol ayon sa ipinangako ng Panginoon sa inyo.

4Kapag naitaboy na sila ng Panginoon na inyong Diyos sa inyong harapan, huwag ninyong sasabihin sa inyong mga sarili, “Dinala tayo ng Panginoon para angkinin ang lupaing ito dahil matuwid tayo.” Hindi. Palalayasin sila ng Panginoon dahil masama silang bansa.

5Mapapasainyo ang kanilang lupain hindi dahil matuwid kayo o mabuti kayong mga tao kundi dahil masama sila, at para matupad ng Panginoon ang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.