Deuteronomio 9

Kapag naitaboy na sila ng Panginoon na inyong Diyos sa inyong harapan, huwag ninyong sasabihin sa inyong mga sarili, “Dinala tayo ng Panginoon para angkinin ang lupaing ito dahil matuwid tayo.” Hindi. Palalayasin sila ng Panginoon dahil masama silang bansa.

Deuteronomy 9:4 (UKJV) Speak not you in yours heart, after that the LORD your God has cast them out from before you, saying, For my righteousness the LORD has brought me in to possess this land: but for the wickedness of these nations the LORD does drive them out from before you.

2Malalakas at matatangkad ang mga naninirahan dito – mga lahi ni Anak! Alam naman ninyo ang tungkol sa mga lahi ni Anak at narinig ninyo na walang makakatalo sa kanila.

3Ngunit ngayon, makikita ninyo na ang Panginoon na inyong Diyos ang mangunguna sa inyo na parang apoy na lumalamon sa inyong mga kaaway. Tatalunin niya sila para madali ninyo silang maitaboy at malipol ayon sa ipinangako ng Panginoon sa inyo.

4Kapag naitaboy na sila ng Panginoon na inyong Diyos sa inyong harapan, huwag ninyong sasabihin sa inyong mga sarili, “Dinala tayo ng Panginoon para angkinin ang lupaing ito dahil matuwid tayo.” Hindi. Palalayasin sila ng Panginoon dahil masama silang bansa.

5Mapapasainyo ang kanilang lupain hindi dahil matuwid kayo o mabuti kayong mga tao kundi dahil masama sila, at para matupad ng Panginoon ang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.

6Alalahanin ninyong hindi dahil matuwid kayo kaya ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos ang magandang lupaing ito para masakop ninyo. Ang totoo, matitigas ang inyong ulo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.