Deuteronomio 9

Alalahanin ninyong hindi dahil matuwid kayo kaya ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos ang magandang lupaing ito para masakop ninyo. Ang totoo, matitigas ang inyong ulo.

Deuteronomy 9:6 (UKJV) Understand therefore, that the LORD your God gives you not this good land to possess it for your righteousness; for you are a stubborn people.

4Kapag naitaboy na sila ng Panginoon na inyong Diyos sa inyong harapan, huwag ninyong sasabihin sa inyong mga sarili, “Dinala tayo ng Panginoon para angkinin ang lupaing ito dahil matuwid tayo.” Hindi. Palalayasin sila ng Panginoon dahil masama silang bansa.

5Mapapasainyo ang kanilang lupain hindi dahil matuwid kayo o mabuti kayong mga tao kundi dahil masama sila, at para matupad ng Panginoon ang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.

6Alalahanin ninyong hindi dahil matuwid kayo kaya ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos ang magandang lupaing ito para masakop ninyo. Ang totoo, matitigas ang inyong ulo.

7Alalahanin ninyo kung paano ninyo ginalit ang Panginoon na inyong Diyos sa disyerto. Mula nang araw na lumabas kayo sa Ehipto hanggang ngayon, palagi na lang kayong nagrerebelde sa Panginoon.

8Kahit doon sa Bundok ng Sinai, ginalit ninyo ang Panginoon, kaya gusto na lang niya kayong patayin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.