Ang Mangangaral 1

Sinabi ko sa aking sarili, “Mas marunong ako kaysa sa lahat ng naging hari sa Jerusalem. Marami akong alam.”

Ecclesiastes 1:16 (UKJV) I communed with mine own heart, saying, Lo, I am come to great estate, and have got more wisdom than all they that have been before me in Jerusalem: yea, my heart had great experience of wisdom and knowledge.

14Nakita kong walang kabuluhan ang lahat ng ginagawa ng tao rito sa mundo. Para kang humahabol sa hangin.

15Ang baluktot ay hindi mo maitutuwid at ang wala ay hindi mo maibibilang.

16Sinabi ko sa aking sarili, “Mas marunong ako kaysa sa lahat ng naging hari sa Jerusalem. Marami akong alam.”

17Pinag-aralan kong mabuti ang pagkakaiba ng karunungan at kamangmangan, pero nakita kong wala rin itong kabuluhan. Para kang humahabol sa hangin.

18Dahil habang nadadagdagan ang kaalaman ko, nadadagdagan din ang aking kalungkutan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.