Ang Mangangaral 1

Nakita kong walang kabuluhan ang lahat ng ginagawa ng tao rito sa mundo. Para kang humahabol sa hangin.

Ecclesiastes 1:14 (UKJV) I have seen all the works that are done under the sun; and, behold, all is vanity and vexation of spirit.

12Ako na isang mangangaral ay naging hari ng Israel. Tumira ako sa Jerusalem.

13Sa aking karunungan, pinag-aralan kong mabuti ang lahat ng nangyayari rito sa mundo. At nakita kong napakahirap ng gawaing ibinigay ng Diyos sa mga tao.

14Nakita kong walang kabuluhan ang lahat ng ginagawa ng tao rito sa mundo. Para kang humahabol sa hangin.

15Ang baluktot ay hindi mo maitutuwid at ang wala ay hindi mo maibibilang.

16Sinabi ko sa aking sarili, “Mas marunong ako kaysa sa lahat ng naging hari sa Jerusalem. Marami akong alam.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.