Ang Mangangaral 10

Walang saysay ang kakayahan mong magpaamo ng ahas, kung tutuklawin ka lang naman nito.

Ecclesiastes 10:11 (UKJV) Surely the serpent will bite without enchantment; and a babbler is no better.

9Kapag nagtibag ka ng bato, baka mabagsakan ka nito. Kapag nagsibak ka ng kahoy, baka masugatan ka nito.

10Kapag palakol moʼy mapurol at hindi mo hinahasa, buong lakas ang kailangan mo sa paggamit nito. Mas nakakahigit ka kung ikaʼy marunong, dahil sa pamamagitan nitoʼy magtatagumpay ka.

11Walang saysay ang kakayahan mong magpaamo ng ahas, kung tutuklawin ka lang naman nito.

12Ang sinasabi ng marunong ay magbibigay sa kanya ng kabutihan, pero ang sinasabi ng hangal ay magpapahamak sa kanya.

13Sa umpisa pa lang kamangmangan na ang sinasabi niya, at kinalaunan ay naging masamang-masama na, na parang nawawala na siya sa sarili.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.