10Kapag palakol moʼy mapurol at hindi mo hinahasa, buong lakas ang kailangan mo sa paggamit nito. Mas nakakahigit ka kung ikaʼy marunong, dahil sa pamamagitan nitoʼy magtatagumpay ka.
11Walang saysay ang kakayahan mong magpaamo ng ahas, kung tutuklawin ka lang naman nito.
12Ang sinasabi ng marunong ay magbibigay sa kanya ng kabutihan, pero ang sinasabi ng hangal ay magpapahamak sa kanya.
13Sa umpisa pa lang kamangmangan na ang sinasabi niya, at kinalaunan ay naging masamang-masama na, na parang nawawala na siya sa sarili.
14At wala siyang tigil sa kasasalita. Walang nakakaalam tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap, kaya walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari kapag tayoʼy patay na.