6Maghasik ka ng binhi sa umaga hanggang gabi, dahil hindi mo alam kung alin sa itinanim mo ang tutubo, o kung lahat ito ay tutubo.
7Ang liwanag ay napakatamis, at nakalulugod sa mata na makita ang araw.
8Kaya sa buong buhay mo ay maging masaya ka, gaano man ito kahaba. Ngunit, alalahanin mong darating ang kamatayan at magtatagal iyon. Lahat ng mangyayari ay walang kabuluhan.
9Kayong mga kabataan, magsaya kayo habang kayoʼy bata pa. Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin, pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Diyos ayon sa inyong mga ginawa.
10Huwag kayong mag-alala o mabalisa man dahil ang panahon ng kabataan ay lumilipas lang.