Ang Mangangaral 12

Ngayong nabasa mo na ang lahat ng ito, ito ang aking huling payo: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos, dahil ito ang tungkulin ng bawat tao.

Ecclesiastes 12:13 (UKJV) Let us hear the conclusion of the whole matter: Fear God, and keep his commandments: for this is the whole duty of man.

11Ang mga salita ng marunong ay parang matulis na tungkod na pantaboy ng pastol sa paggabay sa kanyang kawan o parang pakong nakabaon. Ibinigay ito ng Diyos na tangi nating tagabantay.

12Anak, mag-ingat ka sa isa pang bagay na ito: Ang pagsusulat ng aklat ay walang katapusan, at ang labis na pag-aaral ay nakakapagod.

13Ngayong nabasa mo na ang lahat ng ito, ito ang aking huling payo: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos, dahil ito ang tungkulin ng bawat tao.

14Sapagkat hahatulan tayo ng Diyos ayon sa lahat ng ating ginagawa, mabuti man o masama, hayag man o lihim.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.