5Matatakot kang umakyat sa matataas na lugar o lumakad sa lansangan nang nag-iisa. Puputi na ang iyong buhok, hindi ka na halos makakalakad at mawawala na ang lahat ng iyong pagnanasa. Sa bandang huli, pupunta ka sa iyong tahanang walang hanggan at marami ang magluluksa para sa iyo sa mga lansangan.
6Kaya alalahanin mo ang Diyos habang nabubuhay ka, habang hindi pa nalalagot ang kadenang pilak at hindi pa nababasag ang gintong lalagyan, o hindi pa nalalagot ang tali ng timba sa balon, at nasisira ang kalo nito.
7Kung magkagayon, babalik ka sa lupa kung saan ka nagmula at ang espiritu moʼy babalik sa Diyos na siyang nagbigay nito.
8Sabi ng mangangaral, “Walang kabuluhan! Tunay na walang kabuluhan ang lahat!”
9Bukod sa pagiging marunong nitong mangangaral, itinuturo din niya sa mga tao ang lahat ng kanyang nalalaman. Pinag-aralan niyang mabuti ang mga kasabihang binanggit niya rito.