1Sinubukan kong magpakasaya sa mga layaw ng buhay. Ngunit nakita kong wala rin itong kabuluhan.
2Kamangmangan ang sobrang pagtawa at ang pagpapakasaya ay wala ring kabuluhan.
3Sinubukan kong magpakasaya sa pag-inom ng alak. Kahit na marunong ako, sinubukan kong gumawa ng kamangmangan. Naisip ko lang na baka iyon ang pinakamabuting gawin ng tao sa maikling buhay niya dito sa mundo.