Ang Mangangaral 7

Bigyang-halaga ang mga katuruang ito, sapagkat ang sinumang may takot sa Diyos ay susunod sa parehong katuruan.

Ecclesiastes 7:18 (UKJV) It is good that you should take hold of this; yea, also from this withdraw not yours hand: for he that fears God shall come out of them all.

16Huwag mong ituring ang iyong sarili na sobrang matuwid at marunong, dahil kung gagawin mo iyon, sinisira mo lang ang iyong sarili.

17At huwag ka rin namang magpakasama o magpakamangmang, dahil baka mamatay ka naman nang wala sa oras.

18Bigyang-halaga ang mga katuruang ito, sapagkat ang sinumang may takot sa Diyos ay susunod sa parehong katuruan.

19Higit na malaki ang magagawa ng karunungan sa isang tao, kaysa sa sampung pinuno ng isang bayan.

20Wala ni isang tao rito sa mundo ang laging gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.