9upang maunawaan ang kanyang lihim na plano na nais niyang matupad sa pamamagitan ni Kristo
10pagdating ng itinakdang panahon. At ang plano niyaʼy pag-isahin ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, at ipasailalim sa kapangyarihan ni Kristo.
11Ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa plano niya at kalooban. At ayon nga sa plano niya noon pang una, pinili niya kami upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo.
12Ginawa niya ito upang kaming mga naunang sumampalataya kay Kristo ay magbigay-puri sa kanya.
13Kayo man ay napabilang na kay Kristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda na pagmamay-ari na niya kayo.