Mga Taga-Efeso 1

Kayo man ay napabilang na kay Kristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda na pagmamay-ari na niya kayo.

Ephesians 1:13 (UKJV) In whom all of you also trusted, after that all of you heard the word of truth, the gospel of your salvation: in whom also after that all of you believed, all of you were sealed with that holy Spirit of promise,

11Ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa plano niya at kalooban. At ayon nga sa plano niya noon pang una, pinili niya kami upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo.

12Ginawa niya ito upang kaming mga naunang sumampalataya kay Kristo ay magbigay-puri sa kanya.

13Kayo man ay napabilang na kay Kristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda na pagmamay-ari na niya kayo.

14Ang Banal na Espiritu ang katibayan na matatanggap natin mula sa Diyos ang ipinangako niya sa atin bilang mga anak niya, hanggang sa matanggap natin ang lubos na kaligtasan. At dahil dito, papupurihan siya!

15Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang pananampalataya ninyo sa ating Panginoong Hesus at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng mga hinirang,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.