12Ginawa niya ito upang kaming mga naunang sumampalataya kay Kristo ay magbigay-puri sa kanya.
13Kayo man ay napabilang na kay Kristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda na pagmamay-ari na niya kayo.
14Ang Banal na Espiritu ang katibayan na matatanggap natin mula sa Diyos ang ipinangako niya sa atin bilang mga anak niya, hanggang sa matanggap natin ang lubos na kaligtasan. At dahil dito, papupurihan siya!
15Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang pananampalataya ninyo sa ating Panginoong Hesus at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng mga hinirang,
16walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos dahil sa inyo. At palagi ko kayong ipinapanalangin.