5Hindi inihayag ng Diyos ang planong ito sa mga tao noon, ngunit ipinahayag na niya ngayon sa mga banal na apostol at mga propeta sa pamamagitan ng Espiritu.
6At ito nga ang plano ng Diyos: na sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga Hentil ay tatanggap ng mga pangako ng Diyos kasama ng mga Hudyo, at magiging bahagi rin sila ng iisang katawan dahil sa pakikipag-isa nila kay Kristo Hesus.
7Dahil sa biyaya ng Diyos, naging tagapangaral ako ng Magandang Balitang ito sa pamamagitan ng kapangyarihan niya.
8Kahit ako ang pinakahamak sa lahat ng mga mananampalataya, ipinagkaloob pa rin sa akin ng Diyos ang pribilehiyong ipangaral sa mga Hentil ang hindi masukat na biyayang galing kay Kristo,
9at ipaliwanag sa lahat kung paano maisasakatuparan ang plano ng Diyos. Noong unaʼy inilihim ito ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay,