Mga Taga-Efeso 3

Kahit ako ang pinakahamak sa lahat ng mga mananampalataya, ipinagkaloob pa rin sa akin ng Diyos ang pribilehiyong ipangaral sa mga Hentil ang hindi masukat na biyayang galing kay Kristo,

Ephesians 3:8 (UKJV) Unto me, who am less than the least of all saints, is this grace given, that I should preach among the Gentiles the unsearchable riches of Christ;

6At ito nga ang plano ng Diyos: na sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga Hentil ay tatanggap ng mga pangako ng Diyos kasama ng mga Hudyo, at magiging bahagi rin sila ng iisang katawan dahil sa pakikipag-isa nila kay Kristo Hesus.

7Dahil sa biyaya ng Diyos, naging tagapangaral ako ng Magandang Balitang ito sa pamamagitan ng kapangyarihan niya.

8Kahit ako ang pinakahamak sa lahat ng mga mananampalataya, ipinagkaloob pa rin sa akin ng Diyos ang pribilehiyong ipangaral sa mga Hentil ang hindi masukat na biyayang galing kay Kristo,

9at ipaliwanag sa lahat kung paano maisasakatuparan ang plano ng Diyos. Noong unaʼy inilihim ito ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay,

10upang sa pamamagitan ng iglesya ay maipahayag ngayon sa mga namumuno at may kapangyarihan sa kalangitan ang karunungan niyang nahahayag sa ibaʼt ibang paraan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.