2“Igalang mo ang iyong amaʼt ina.” Ito ang unang utos na may kasamang pangako,
3“upang maging mabuti ang iyong kalagayan at mabuhay ka nang matagal.”
4At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.
5Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may katapatan, paggalang at pagkatakot na parang si Kristo ang pinaglilingkuran ninyo.
6Gawin ninyo ito nang kusang-loob, hindi dahil nakatingin sila para silaʼy malugod, kundi dahil mga alipin kayo ni Kristo na gumagawa ng kalooban ng Diyos.