Ester 1

Ang palagi niyang hinihingan ng payo ay sina Carsena, Setar, Admata, Tarsis, Meres, Marsena at Memucan. Sila ang pitong pinakamataas na pinuno sa kaharian ng Persia at Media, at malapit sila sa hari.

Esther 1:14 (UKJV) And the next unto him was Carshena, Shethar, Admatha, Tarshish, Meres, Marsena, and Memucan, the seven princes of Persia and Media, which saw the king's face, and which sat the first in the kingdom;)

12Pero nang masabi ng mga lingkod sa reyna ang gusto ng hari, sinabi nitong ayaw niyang pumunta roon. Kaya lubhang nagalit ang hari sa kanya.

13Humingi siya ng payo sa mga pantas, sapagkat nasa patakaran ng haring sumangguni sa mga nakakaalam ng mga kautusan at batas ng kaharian.

14Ang palagi niyang hinihingan ng payo ay sina Carsena, Setar, Admata, Tarsis, Meres, Marsena at Memucan. Sila ang pitong pinakamataas na pinuno sa kaharian ng Persia at Media, at malapit sila sa hari.

15Nagtanong ang hari sa kanila, “Ayon sa kautusan, ano ang dapat gawin kay Reyna Vasti dahil hindi niya sinunod ang utos ng hari na ipinaabot ng kanyang mga eunuko?”

16Sumagot si Memucan, “Mahal na Hari, nagkasala po si Reyna Vasti hindi lang sa inyo, kundi pati na rin sa mga pinuno ng kaharian ng Persia at Media at sa mga mamamayan ng buong kaharian.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.