Ester 1

Sumagot si Memucan, “Mahal na Hari, nagkasala po si Reyna Vasti hindi lang sa inyo, kundi pati na rin sa mga pinuno ng kaharian ng Persia at Media at sa mga mamamayan ng buong kaharian.

Esther 1:16 (UKJV) And Memucan answered before the king and the princes, Vashti the queen has not done wrong to the king only, but also to all the princes, and to all the people that are in all the provinces of the king Ahasuerus.

14Ang palagi niyang hinihingan ng payo ay sina Carsena, Setar, Admata, Tarsis, Meres, Marsena at Memucan. Sila ang pitong pinakamataas na pinuno sa kaharian ng Persia at Media, at malapit sila sa hari.

15Nagtanong ang hari sa kanila, “Ayon sa kautusan, ano ang dapat gawin kay Reyna Vasti dahil hindi niya sinunod ang utos ng hari na ipinaabot ng kanyang mga eunuko?”

16Sumagot si Memucan, “Mahal na Hari, nagkasala po si Reyna Vasti hindi lang sa inyo, kundi pati na rin sa mga pinuno ng kaharian ng Persia at Media at sa mga mamamayan ng buong kaharian.

17Ang ginawa ni Reyna Vasti ay tiyak na malalaman ng lahat ng kababaihan sa buong kaharian at gagayahin din nila iyon. Hindi rin sila susunod sa mga asawa nila, at sa halip ay mangangatwiran, ‘Si Reyna Vasti nga ay hindi sumunod noong pinapupunta siya ng hari doon sa kanya.’

18Kaya simula ngayon, maaaring ito rin ang gawin ng mga asawa ng mga pinuno ng Persia at Media, na makakabalita sa ginawa ng reyna. Kaya ang mangyayari, hindi na igagalang ng mga asawang babae ang kanilang mga asawang lalaki, at magagalit ang mga ito sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.