3Ang mga Hudyo sa bawat lalawigan na nakarinig sa utos ng hari ay nagsipag-ayuno, nag-iyakan nang napakalakas, at nanaghoy. Marami sa kanila ang nagsuot ng sako at humiga sa abo.
4Nang malaman ni Reyna Ester ang tungkol kay Mordecai sa pamamagitan ng mga alipin niyang babae at mga pinunong nangangalaga sa kanya, labis siyang nabagabag. Pinadalhan niya ng damit si Mordecai para palitan ang kanyang suot na sako, pero hindi niya ito tinanggap.
5Kaya ipinatawag ni Ester si Hatac. Isa siya sa mga pinuno ng hari na itinalagang mag-asikaso sa kanya. Pinapunta niya si Hatac kay Mordecai para alamin ang kung ano ang dahilan ng kanyang pagdadalamhati.
6Kaya pinuntahan naman ni Hatac si Mordecai sa plasa ng lungsod na nasa harap ng pintuan ng palasyo.
7Sinabi sa kanya ni Mordecai ang lahat ng nangyari at kung magkano ang ipinangako ni Haman na ibibigay sa taguan ng kayamanan ng kaharian para patayin ang lahat ng Hudyo.