Ester 4

Sinabi sa kanya ni Mordecai ang lahat ng nangyari at kung magkano ang ipinangako ni Haman na ibibigay sa taguan ng kayamanan ng kaharian para patayin ang lahat ng Hudyo.

Esther 4:7 (UKJV) And Mordecai told him of all that had happened unto him, and of the sum of the money that Haman had promised to pay to the king's treasuries for the Jews, to destroy them.

5Kaya ipinatawag ni Ester si Hatac. Isa siya sa mga pinuno ng hari na itinalagang mag-asikaso sa kanya. Pinapunta niya si Hatac kay Mordecai para alamin ang kung ano ang dahilan ng kanyang pagdadalamhati.

6Kaya pinuntahan naman ni Hatac si Mordecai sa plasa ng lungsod na nasa harap ng pintuan ng palasyo.

7Sinabi sa kanya ni Mordecai ang lahat ng nangyari at kung magkano ang ipinangako ni Haman na ibibigay sa taguan ng kayamanan ng kaharian para patayin ang lahat ng Hudyo.

8Binigyan din siya ni Mordecai ng kopya ng kautusan ng hari na ipinamalita sa mga taga-Susa, at nagsasaad ng paglipol sa mga Hudyo. Sinabihan niya si Hatac na ipakita ito kay Ester at ipaliwanag sa kanya ang lahat ng nangyari, at pakiusapan ito na pumunta sa hari upang magmakaawa para sa kanyang mga kalahi.

9Bumalik si Hatac kay Ester at sinabi ang lahat ng sinabi ni Mordecai.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.