Ester 4

Binigyan din siya ni Mordecai ng kopya ng kautusan ng hari na ipinamalita sa mga taga-Susa, at nagsasaad ng paglipol sa mga Hudyo. Sinabihan niya si Hatac na ipakita ito kay Ester at ipaliwanag sa kanya ang lahat ng nangyari, at pakiusapan ito na pumunta sa hari upang magmakaawa para sa kanyang mga kalahi.

Esther 4:8 (UKJV) Also he gave him the copy of the writing of the decree that was given at Shushan to destroy them, to show it unto Esther, and to declare it unto her, and to charge her that she should go in unto the king, to make supplication unto him, and to make request before him for her people.

6Kaya pinuntahan naman ni Hatac si Mordecai sa plasa ng lungsod na nasa harap ng pintuan ng palasyo.

7Sinabi sa kanya ni Mordecai ang lahat ng nangyari at kung magkano ang ipinangako ni Haman na ibibigay sa taguan ng kayamanan ng kaharian para patayin ang lahat ng Hudyo.

8Binigyan din siya ni Mordecai ng kopya ng kautusan ng hari na ipinamalita sa mga taga-Susa, at nagsasaad ng paglipol sa mga Hudyo. Sinabihan niya si Hatac na ipakita ito kay Ester at ipaliwanag sa kanya ang lahat ng nangyari, at pakiusapan ito na pumunta sa hari upang magmakaawa para sa kanyang mga kalahi.

9Bumalik si Hatac kay Ester at sinabi ang lahat ng sinabi ni Mordecai.

10Pinabalik muli ni Ester si Hatac kay Mordecai at ipinasabi ang ganito:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.