Ester 4

Bumalik si Hatac kay Ester at sinabi ang lahat ng sinabi ni Mordecai.

Esther 4:9 (UKJV) And Hatach came and told Esther the words of Mordecai.

7Sinabi sa kanya ni Mordecai ang lahat ng nangyari at kung magkano ang ipinangako ni Haman na ibibigay sa taguan ng kayamanan ng kaharian para patayin ang lahat ng Hudyo.

8Binigyan din siya ni Mordecai ng kopya ng kautusan ng hari na ipinamalita sa mga taga-Susa, at nagsasaad ng paglipol sa mga Hudyo. Sinabihan niya si Hatac na ipakita ito kay Ester at ipaliwanag sa kanya ang lahat ng nangyari, at pakiusapan ito na pumunta sa hari upang magmakaawa para sa kanyang mga kalahi.

9Bumalik si Hatac kay Ester at sinabi ang lahat ng sinabi ni Mordecai.

10Pinabalik muli ni Ester si Hatac kay Mordecai at ipinasabi ang ganito:

11“Alam ng lahat sa buong kaharian na ang sinumang lalapit sa hari sa loob ng kanyang bulwagan, lalaki man o babae na hindi ipinapatawag ay papatayin, maliban na lang kung iaabot ng hari ang kanyang gintong setro sa taong ito. At isang buwan na akong hindi ipinapatawag ng hari.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.