Exodus 12

Nang gabing iyon, nagising ang Faraon at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng Ehipsiyo. At narinig ang matinding iyakan sa Ehipto, dahil walang bahay na hindi namatayan.

Exodus 12:30 (UKJV) And Pharaoh rose up in the night, he, and all his servants, and all the Egyptians; and there was a great cry in Egypt; for there was not a house where there was not one dead.

28At sinunod nila ang iniutos ng Panginoon kina Moises at Aaron.

29Nang hatinggabing iyon, pinatay ng Panginoon ang lahat ng panganay na lalaki sa Ehipto mula sa panganay ng Faraon, na tagapagmana ng kanyang trono, hanggang sa panganay ng mga bilanggo na nasa bilangguan. Pinatay din niya ang lahat ng panganay ng hayop.

30Nang gabing iyon, nagising ang Faraon at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng Ehipsiyo. At narinig ang matinding iyakan sa Ehipto, dahil walang bahay na hindi namatayan.

31Nang gabi ring iyon, ipinatawag ng Faraon sila Moises at Aaron at sinabi, “Umalis na kayo! Lisanin na ninyo ang aking bansa. Umalis na kayo at sumamba sa Panginoon, gaya ng ipinapakiusap ninyo.

32Dalhin ninyo ang mga hayop ninyo, gaya rin ng pakiusap ninyo at umalis kayo. Ngunit ipanalangin ninyo rin ako.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.