26Kapag nagtanong ang mga anak ninyo kung ano ang ibig sabihin ng seremonyang ito,
27Ito ang paghahandog sa Pista ng Paglampas ng Anghel bilang pag-alala sa ginawa ng Panginoon. Nilampasan niya ang mga bahay ng mga Israelita sa Ehipto nang patayin niya ang mga Ehipsiyo.” Pagkatapos, yumukod ang mga Israelita at sumamba sa Panginoon.
28At sinunod nila ang iniutos ng Panginoon kina Moises at Aaron.
29Nang hatinggabing iyon, pinatay ng Panginoon ang lahat ng panganay na lalaki sa Ehipto mula sa panganay ng Faraon, na tagapagmana ng kanyang trono, hanggang sa panganay ng mga bilanggo na nasa bilangguan. Pinatay din niya ang lahat ng panganay ng hayop.
30Nang gabing iyon, nagising ang Faraon at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng Ehipsiyo. At narinig ang matinding iyakan sa Ehipto, dahil walang bahay na hindi namatayan.