Exodus 12

Nang hatinggabing iyon, pinatay ng Panginoon ang lahat ng panganay na lalaki sa Ehipto mula sa panganay ng Faraon, na tagapagmana ng kanyang trono, hanggang sa panganay ng mga bilanggo na nasa bilangguan. Pinatay din niya ang lahat ng panganay ng hayop.

Exodus 12:29 (UKJV) And it came to pass, that at midnight the LORD stroke all the firstborn in the land of Egypt, from the firstborn of Pharaoh that sat on his throne unto the firstborn of the captive that was in the dungeon; and all the firstborn of cattle.

27Ito ang paghahandog sa Pista ng Paglampas ng Anghel bilang pag-alala sa ginawa ng Panginoon. Nilampasan niya ang mga bahay ng mga Israelita sa Ehipto nang patayin niya ang mga Ehipsiyo.” Pagkatapos, yumukod ang mga Israelita at sumamba sa Panginoon.

28At sinunod nila ang iniutos ng Panginoon kina Moises at Aaron.

29Nang hatinggabing iyon, pinatay ng Panginoon ang lahat ng panganay na lalaki sa Ehipto mula sa panganay ng Faraon, na tagapagmana ng kanyang trono, hanggang sa panganay ng mga bilanggo na nasa bilangguan. Pinatay din niya ang lahat ng panganay ng hayop.

30Nang gabing iyon, nagising ang Faraon at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng Ehipsiyo. At narinig ang matinding iyakan sa Ehipto, dahil walang bahay na hindi namatayan.

31Nang gabi ring iyon, ipinatawag ng Faraon sila Moises at Aaron at sinabi, “Umalis na kayo! Lisanin na ninyo ang aking bansa. Umalis na kayo at sumamba sa Panginoon, gaya ng ipinapakiusap ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.